Linggo, Marso 25, 2018

EDUKASYON: Ang Sagot sa Kahirapan

               

                    Ilang dekada na ang nagdaan. Ngunit ang kahirapan sa ating bansa ay di man lang naibsan. Ilang lider na ang may kanya kanyang plataporma subalit nariyan parin ang kahirapan. Sari saring mga tanong mula sa karamihan kung bakit ganito parin ang sitwasyon. Isa lang ang sagot sa problimang isang libong taong dinanas ng mamamayan. Edukasyon, oo tama edukasyon ang siyang susi sa kahirapan.
                  Marami ng nasayang na oras at pera para sa mga programang akala ng lahat ay makakaahon. Pagdating sa national budget kunti lang ang inilaan para sa edukasyon. Na dapat sana'y pagtounan ng pansin ng pamahalaan dahil ang edukasyon ang siyang solusyon ng kamangmangan.
             



                 


                       Tingnan natin kung ano ba ang kahalagahan ng edukasyon at kung bakit ito ang susi sa kahirapan. Noong panahon pa ng kastila ay pinahalagahan na ang edukasyon di nga lang para sa lahat ng tao ngunit dahil sa edukasyon may mag taong naglakas loob upang salungatin ang mga diktador. Sila ang tinatawag nating bayani ngayon. Dahil natuto sila kaya ginamit nila ito upang maihaon ang mga Pilipino sa pagmamalupit. Sa panahon naman ng mga Amerikano lahat ay may karapatan ng mag-aral. Natuto halos lahat ng mamamayan lalo na sa pagsasalita ng Ingles. Nagdaan ang ilang dekada hanggang nagkaroon na tayo ng sariling republika. Umunlad ang bansa natin dahil napagtounan ang edukasyon. Ngunit kung maihahalintulad natin ang kalagayan ng ating edukasyon ngayon sa noon nahuhuli na tayo kaya mas lalong humirap ang ating bansa. Maraming mga kabataang mangmang na tumatambay lang dahil walang makitang matinong trabaho dahil hindi nakapag-aral. Maraming mga batang gustong mag-aral ngunit di nabigyan ng pansin ng pamahalaan. Kung nakita lang sana ng gobyerno ang tunay na kalagayan ng halos lahat ng mahihirap na Pilipino hindi sana lugmok sa kahirapan ang nakararami.
                     

                           Pagbabasehan natin ang bansang Singapore na kung saan sila ay isa sa mga nangungunang bansa sa pagdating ng magandang sistema ng edukasyon. Kung noon tayo ang isa sa mga nangungunang bansa ay siyang kabaliktaran ngayon. Malayo na ang narating ng bansang Singapore hindi lang sila kundi napakaraming bansa ang umunlad at umuunlad dahil pinagtuunan nila ng pansin ang edukasyon.



             Sabi nga nila huwag paalipin sa hirap at kamangmangan pag-aaral ay igapang upang ito ay mawakasan. Dahil sa edukasyon ay magkakaroon ng magandang kinabukasan. Makakatulong sa bayan lalo na sa pamilya upang maihaon sa kahirapan. Matutupad ang mga pangarap at minimithi. Sa lahat ng bagay sa mundo ang dunong ay tanging yaman na kailan man ay hinding-hindi mananakaw o maaagaw ng kahit na sino at ito lang ang bagay na makakatulong sa kahirapan ng buhay. At bilin pa nga ni Gat Jose Rizal, "Ang kabataan ang siyang pag-asa ng bayan." Kaya naman dapat ng baguhin ng pamahalaan ang sistema at hikayatin ang lahat ng Pilipino na mag-aral. Magkaroon ng mga programang libre para sa lahat upang ang lahat ay makinabang at may matutunan.


                   Kahit saan mang sulok ng mundo ang edukasyon ang siyang napakahalaga. Walang bansang maunlad nang hindi ginamitan ng edukasyon. Saan pala natuto ang mga magagaling na mga lider kundi sa pag-aaral. Kung susumahin walang magagandang pangyayari sa mundo kung walang edukasyon. Dahil ang edukasyon ang siyang nagbukas sa atin sa magandang hinaharap.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento